4 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan
MANILA, Philippines — Nasugatan ang apat na katao sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa Lower Bicutan, Taguig City, kahapon ng madaling araw.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima na dalawang babae at dalawang lalaki na ang isa ay kinailangang gamitan ng extractor mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Taguig para mailabas sa pagkakaipit sa pagitan ng kotse, e-tricycle, at jeep.
Sa ulat, alas-3:55 ng madaling nang magnap ang aksidente sa Dir. A. Bunye St., Lower Bicutan, Taguig City.
Matinding pinsala ang tinamo ng e-trike at ng itim na Toyota Vios na may plakang NFR 4329 ay wasak ang likod na bahagi, habang ang dyip na may plakang TWP 245.
Naging mabilis ang responde nang mapadaan ang mga papasok sa duty sa Camp Bagong Diwa na mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) na nakipag-ugnayan sa Traffic Management Office (TMO,CDRRMO ng Taguig at mga ambulansya.
Ang jeepney driver umano ang tinutukoy na responsable sa pangyayari ang tumakas habang ang kaibigan nitong jeepney driver na lasing ang pinigil at dinala sa traffic bureau ng Taguig para sa imbestigasyon.
- Latest