MANILA, Philippines — Maaaring tumaas ng 10 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng mga itlog habang papalapit ang pagbubukas ng paaralan.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo, ang price range ng medium egg sa Metro Manila ay nakatakda mula PHP5.50 hanggang PHP9.
“Pagdating ng ‘ber’ months (September to December), normally nagti-trigger na ng panahon ng paglakas ng demand sa itlog at gaya ng nabanggit ko before, kapag ‘ber’ months at panahon ng pasukan,” sabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa.
Gayunman, sinabi ni Philippine Egg Board Association president Francis Uyehara na nagsimula na ang pagtaas ng presyo sa ilang lugar, kung isasaalang-alang ang mga epekto ng “third quarter syndrome” o ang outbreak period ng sakit na kung saan ang mga layer ay apektado ng mga namamatay at bumaba ang produksyon.
Noong Hulyo, ang umiiral na farm gate price ng medium egg ay nakatakda sa P6.46 bawat piraso, mas mataas kaysa noong nakaraang buwan na P6.07/pc, at P5.80/pc para sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Ang kasalukuyang farm gate price para sa mga medium na itlog ay malapit na sa holiday season (Setyembre 2023 hanggang Enero ngayong taon) na P6.31/pc hanggang P7.12/pc.