^

Police Metro

Approval rating ni Marcos bumaba; Sara tumaas - survey

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa pinakabagong survey ng Ulat ng Bayan ng Pulse Asia ay bumaba ng dalawa at limang porsyentong puntos ang nationwide approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa datos noong Marso at Hunyo ngayong taon, sinabi ng Pulse Asia na bumaba ang approval ra­ting ni Marcos mula 55 hanggang 53, habang ang kanyang trust rating ay bumaba mula 57 hanggang 52.

Nagpakita naman ang survey ng dalawang puntos na pagtaas sa approval rating para kay Vice President Sara Duterte mula 67 noong Marso hanggang 69 noong Hunyo. Ang kanyang trust rating naman sa parehong buwan ay nanatiling pareho sa 71 percentage points.

Nagmula ang pinakamalaking pagbaba sa approval rating ni Marcos sa Luzon sa siyam na pors­yentong puntos, mula 66 hanggang 57. Naitala naman ang dalawang puntos na pagbaba sa approval rating niya sa Mindanao mula 40 hanggang 38.

Samantala, nakakuha ang Pangulo ng 14-point increase sa National Capital Region (NCR) mula 47 hanggang 61, at dalawang-point increase sa Visayas mula 54 hanggang 56.

Bumaba rin ng 13 porsiyento ang approval rating ni Marcos sa Class ABC habang ang tatlong puntos na pagbaba ay naitala sa Class D, habang sa Class E income bracket, nakakuha si Marcos ng four-point gain.

Para naman kay Duterte, tumaas ang kanyang approval rating ng 12, 16, at tatlong puntos sa NCR, Visayas, at Mindanao, ayon sa pagkakasunod. Ang pagbaba ng pitong porsyentong puntos ay naitala lamang sa Luzon.

Sa mga economic bracket, ang approval ra­ting ni Duterte ay tumaas ng 17 puntos sa Class E mula 65 hanggang 82. Gayunpaman, bumaba ng 6 ang kanyang approval rating sa Class ABC. Isang kaunting pagtaas ng isang puntos ang naitala sa Class D.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with