^

Police Metro

Lalaki na bagong laya utas sa tandem

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakuha pa ng isang lalaki na bagong laya na tuluyang makapagbagong buhay matapos na siya ay pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng Joyride kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sikatuna Village, Quezon City.

Namatay noon din sa tama ng mga bala ang biktimang si Felix Palnoga Handumon, 38, ng Habay-Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente, alas-11:00 ng gabi sa Anonas Extension kanto ng V. Luna Street, Brgy. Sikatuna Village, Quezon City.

Ayon sa driver ng Joyride na si alyas Arnold, pauwi ng Cavite ang biktima nang pagdating sa nabanggit na lugar ay sumulpot ang riding-in-tandem na sakay ng Yamaha Nmax motorcycle na walang plaka at pinababaril ng ilang beses ang una.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng baril sa katawan ang biktima na umano ay kalalaya pa lamang mula Camp Karingal dahil sa kasong pagnanakaw.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with