^

Police Metro

Taas-presyo ng ilang gulay mapipigilan na ngayong linggo – DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Taas-presyo ng ilang gulay mapipigilan na ngayong linggo � DA
A vendor arranges tomatoes for sale at a public market in Manila on July 4, 2024.
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Posibleng mapigilan ang taas-presyo ng ilang gulay pati na ang kamatis ngayon linggo sa mga palengke at pamilihan.

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) matapos na sumipa ang presyo ng mga ito pamilihan tulad ng kamatis na naglalaro sa P140-P220 ang kada kilo.

Tumaas din ang pre­syo ng carrots na nasa P100-P180, talong na umaabot sa hanggang P120 ang kada kilo, at bell pepper na naglalaro sa P200-P350.

Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, ang pagsipa ng presyo ng mga gulay ay bunsod ng na-delay na harvest sa ilang sakahan na bunsod naman ng El Niño at epekto ng Bagyong Aghon.

Nakadagdag pa rito ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo na dumaragdag sa transportation cost ng mga magsasaka.

Sa kabila nito, sinabi ni De Mesa na magsisimula na rin ang harvest sa Southern Tagalog Region na inaasahang manghahatak na rin pababa ng presyo ng gulay sa mga susunod na araw.

Una nang sinabi ng DA na maglalabas ito ng higit kalahating milyong pondo na assistance sa mga magsasaka kasama ang fuel subsidies.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with