^

Police Metro

3 pedestrian utas sa araro ng ninakaw na police car

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong pedestrian ang nasawi habang lima pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang ninakaw na police car sa Morong, Rizal kahapon.

Hindi naman agad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan.

Agad na naaresto ang 57-anyos na suspek, na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip.

Base sa ulat ng Rizal Provincial Police Office (RPPO), dakong alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Tomas St., Brgy. San Juan.

Ayon sa mga pulis, ginagamot ang suspek sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office nang tumakas ito.

Ninakaw umano ng suspek ang isang police car ng Morong PNP na nakaparada sa lugar at saka humarurot palayo na kung saan inararo ang mga pedestrian sa lugar na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo sa mga ito.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with