Inflation rate bumagal sa 3.7% noong Hunyo
MANILA, Philippines — Bumagal sa 3.7% ang headline inflation rate sa bansa nitong nakalipas na Hunyo.
Ayon sa inflation report ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ito ng 0.2% mula sa 3.9% na naitala noong Mayo.
Ang mga dahilan na nakapag-ambag sa pagbaba ng inflation rate ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas and other fuels; mas mabagal na pagtaas ng presyo ng transport; pati na rin sa presyo ng restaurants and accommodation services.
Sa kabilang banda, naitala naman ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at inumin nitong Hunyo kumpara noong Mayo.
Samantala, bagama’t bumaba, mas naramdaman ng bottom 30% income households noong nakaraang buwan ang inflation rate nang 5.5%.
Sa ngayon, nasa 3.5% na ang average inflation rate sa unang anim na buwan ngayong taon.
- Latest