Motorcycle rider, patay sa aksidente sa kompetisyon

Namatay habang patungong ospital ang biktimang si “Kim” na residente ng Del Gallego, Camarines Sur at kalahok sa “1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge” sa Guinayangan, Quezon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi makaraan itong sumalpok sa kasalubong na private van sa highway na sakop ng Barangay Salvacion, Agdangan, Quezon, kahapon ng umaga.

Namatay habang patungong ospital ang biktimang si “Kim” na residente ng Del Gallego, Camarines Sur at kalahok sa “1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge” sa Guinayangan, Quezon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Agdangan Municipal Police Station, naganap ang aksidente dakong alas-8:30 kahapon ng umaga sa highway na sakop ng Brgy. Salvacion, Agda­ngan, Quezon.

Sinasabing pabalik na ang rider sa lugar ng kompetisyon nang mag-overshoot sa kabilang linya at nasalpok ang Hi Ace commuter van na minamaneho ni “Jayson”, 27.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawasak ang motorsiklo ng biktima. Bukas naman ang magkabilang panig sa amicable settlement.

Show comments