^

Police Metro

Romualdez at 167 kongresista namigay ng ayuda sa Davao del Norte

Joy Cantos - Pang-masa
Romualdez at 167 kongresista namigay ng ayuda sa Davao del Norte
Ayon kay Speaker Romualdez, “break po ng Congress ngayon pero mas pinili ng mga kasamahan ko na sumama sa atin para marinig ang pangangailangan ng mga taga-Davao.”
City Government of Tagum Facebook page

MANILA, Philippines — Nasa 167 kongresista ang sumama kay House Speaker Martin Romualdez sa Tagum City, Davao del Norte para mamigay ng ayuda tulad ng bigas, cash, at scholarship.

Ayon kay Speaker Romualdez, “break po ng Congress ngayon pero mas pinili ng mga kasamahan ko na sumama sa atin para marinig ang pangangailangan ng mga taga-Davao.”

“It will be easier kasi kung maraming mambabatas ang nakakaalam sa pangangailangan ng isang lugar para mabilis maaprubahan ang budget nito,” ani Speaker Romualdez.

Bukod sa cash at rice distribution namahagi rin si Romualdez, sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ng mga scholarship at puhunan pang-negosyo.

Libo-libong Dabawenyo ang nakinabang sa programang ito ng Marcos Administration.

Laking pasasalamat naman ni Acting Davao del Norte Gov. De Carlo Uy kay Speaker Romualdez dahil sa hatid na government service at tulong ni Romualdez.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with