Zelenskyy hiniling kay Marcos na magpadala ng mental health workers
MANILA, Philippines — Upang masiguro ang mental health ng kanilang mga sundalo ay hiniling ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpadala ng mental health workers sa kanilang bansa.
Sa kanilang pulong kahapon sa Malacañang ay sinabi ni Zelenskyy sa pangulo na kailangan nila ang maraming mental health workers para sa kanilang mga sundalong nasa frontline dahil hindi maatim ng kanyang gobyerno na mawala sa kanila ang kanilang pamilya.
“Thanks, you mentioned about humanitarian possibilities especially for medicine and like I said to you, especially, psychological mental health and etc.- army. So, you understand how many people need their help when they come back, they can’t lose in the families,” ani Zelenskyy.
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang maiaalok ng Pilipinas ay ang pagpapadala ng mental health workers para sa kanilang mga sundalo.
Binigyang-diin ng Pangulo na kilala ang Pilipinas sa pagbibigay ng tulong sa larangan ng pangkalusugan bilang pangako sa United Nations para sa peacekeeping process.
Hindi lamang aniya ang mga sundalo ang dapat na tulungan kundi ang mga sibilyan at mga inosenteng mamamayan na nagdurusa ngayon dahil sa patuloy na digmaan at pananakop ng Russia.
- Latest