^

Police Metro

Trader na ex-cop, tepok sa holdaper

Mer Layson - Pang-masa
Trader na ex-cop, tepok sa holdaper
Kinilala ang nasawi na si Gary Boco, 46, at residente ng naturang lugar dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
File

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang retiradong pulis matapos na siya ay barilin ng mga holdaper na nagtangkang mangholdap sa kanyang tindahan sa Taytay, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Gary Boco, 46, at residente ng naturang lugar dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin matapos ang krimen.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, alas- 2:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa tindahan ng biktima sa Brgy. Sta. Ana, Taytay.

Kasalukuyan umanong nagbabantay ng tindahan ang biktima nang bigla na lang huminto ang mga suspek na magkaangkas sa isang itim na Yamaha Mio Sporty na may improvised plate number.

Mabilis na bumaba ang backrider nito at kaagad na tinutukan ng baril ang biktima at nagdeklara ng holdap.

Nagawang manlaban ng biktima at sinunggaban ang baril ng holdaper ngunit sa kanilang pag-aagawan ay dalawang ulit na pumutok ang baril at tinamaan ang biktima.

Nang makitang duguang humandusay ang biktima ay mabilis na kumaripas ng takbo ang mga salarin upang tumakas at naiwanan ang kanilang motorsiklo at ang baril na ginamit sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with