^

Police Metro

Grade 5 student, patay sa poso negro ng iskul

Cristina Timbang - Pang-masa

3 pa nasugatan…

MANILA, Philippines — Isang grade 5 student ang nasawi habang nasugatan ang tatlong kaklase nito matapos bumagsak ang takip ng poso negro na kanilang inuupuan sa loob ng Sinaliw Malaki Elementary School sa Brgy. Sinaliw Malaki, Alfonso Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si alyas Criszel, 12, Grade 5 student ng nasabing eskwelahan. Habang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo nitong kaklase.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente alas-12:30 ng tanghali habang kumakain ng tanghalian ang mga ito na nakaupo sa kongkretong upuan na katabi ng septic tank sa loob ng eskwelahan.

Ilang sandali ay biglang bumigay ang kinauupuan ng mga ito at tuluy-tuloy na silang bumagsak sa loob ng septik tank.

Naipit sa loob ang mga estudyante at ilang oras ang nakalipas nang sila ay maiahon at agad itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Criszel.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with