Iran president patay sa chopper crash

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Iranian media ang pagkamatay ni Iran President Ebrahim Raisi sa edad na 63 kasama si Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian at walong iba pa matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa bulubunduking lalawigan ng East Azerbaijan.

Lumalabas sa mga ulat na patungo sa East Azerbaijan ang Bell 212 helicopter nang ito ay bumagsak malapit sa lungsod ng Jolfa, na may distansiyang halos 600 kilometro mula sa Tehran na kabisera ng Iran.

Si Raisi ay dating chief justice at naging pangulo ng Iran noong 2021.

Sa post sa social media ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakiramay ito sa Islamic Repubic of Iran lalo na sa pamilya ni Raisi, Abdollahian at sa mga kasamang nasawi sa trahedya.

Show comments