Dahil sa mainit na panahon…
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department Education (DepEd) na umaabot na sa mahigit 7,000 na paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsuspinde ng face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon kahapon.
Ayon sa Department of Education (DepEd), may kabuuang 7,080 sa 47,678 na paaralan sa bansa (14.8%) ang nag-anunsyo ng suspensyon ng face-to-face classes.
Karamihan sa mga apektadong paaralan ay nasa Central Luzon na may 1,903, sinundan ito ng Central Visayas na may 870 at Western Visayas na may 862. Sa National Capital Region, 311 na paaralan ang nagsuspinde ng face-to-face classes.
Nilinaw naman ng DepEd na discretion na ng school heads kung nais nilang magsuspinde ng face-to-face classes sa kanilang nasasakupang lugar. Nauna nang sinabi ng PAGASA na aabot sa pinakamataas ang heat index sa bansa sa Abril at Mayo.