Tanker salpok sa poste, oil spill kumalat sa SLEX

Ayon sa Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA), naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng entry ramp ng Magallanes Skyway, southbound lane kung saan bumangga sa concrete post ang tanker na may plakang UKS170.

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng matin­ding trapiko at disgrasya sa mga motorista nang bumangga sa poste ang isang tanker na kargado ng coconut oil na naging dahilan ng pagkalat ng langis sa Magallanes, bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX), kahapon ng umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA), naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng entry ramp ng Magallanes Skyway, southbound lane kung saan bumangga sa concrete post ang tanker na may plakang UKS170.

Nagkalat ang langis sa magkabilang linya dahilan naman para madulas ang mga naka-motorsiklo na nagtamo ng mga sugat sa ulo at eyebrow area at dinala ng ambulansya sa Villamor Air Base para sa medical treatment.

Nagtulungan naman ang mga tauhan ng MMDA at Skyway para mapaluwag na ang matinding traffic na idinulot ng oil spill.

Ayon kay Southern Police District (SPD)  Director Police Brigadier General Mark Pespes, pinipigil na para imbestigahan ang driver ng tanker na si  Bernie Rivas, residente ng  Muntinlupa City.

Nalinis na ang magkabilang lanes at naging passable naman bago pa magtanghali.

Show comments