Proklamasyon na kumakalat sa online na walang pasok sa Marso 11, peke - Palasyo
MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng Malacañang ang kumakalat na balita online na nagsasabing idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Marso 11 sa selebrasyon ng Eid’l Fitr.
Ito ang binigyang- diin sa Official Gazette of the Philippines na kung saan, nilinaw nitong peke ang kumakalat na “Proclamation No. 729.”
Sinasabi sa pekeng proklamasyon na deklaradong nationwide regular holiday sa Lunes, March 11, 2024, upang magbigay daan sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Napag-alaman na tampered ang lumabas na bersiyon ng Proclamation No. 729, series of 2019 na pirmado pa ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea o sa panahon pa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang Eid’l Fitr ang pagwawakas ng buwan ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim at inaasahang papatak ng April 9 o 10 ngayong 2024.
Naglabas ang Official Gazette ng public advisory upang kontrahin ang isang fake news na nagsasabing ang Lunes, ika-11 ng Marso, 2024, ay idineklara ng holiday para sa Eid’l Fitr.
Ang Eid’l Fitr, isang pangunahing pagdiriwang ng Islam na minarkahan ang pagtatapos ng Ramadan, ay tradisyonal na idineklara bilang isang national holiday sa Pilipinas.
- Latest