^

Police Metro

Kamara, naka-heightened alert status

Joy Cantos - Pang-masa
Kamara, naka-heightened alert status
Mahigpit ang pinaiiral na seguridad sa paligid ng Kamara nang itaas sa heightened alert status kasunod nang natatanggap na mga pagbabanta sa buhay ng ilang Kongresista.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert ang Kamara matapos makatanggap ng mga banta sa seguridad.

Ayon kay House Secretary Gen. Reginald Velasco, sinabi nito na nakatanggap ng mga pagbabanta ang ilan sa mi­yembro ng Kamara.

Bagama’t hindi na pinangalanan kung sino ang mga ito at kung ano ang banta na natanggap, kinumpirma ng opisyal na isa sa mga ito ay bantang pagpapasabog sa Batasang Pambansa.

Kaya kagyat aniya siyang nakipag-usap sa House Sergeant at Arms, para maghigpit ng seguridad. Itinaas ang heightened alert noon pa aniyang Biyernes.

Maliban sa dagdag na security personnel ay maghihigpit din aniya sila sa mga motorsiklo.

Ngayon ay hanggang sa gate na lamang ang mga motor lalo na ang mga delivery.

Bawal na rin ang mga motorsiklo na mag-park o tumambay sa tapat ng anumang gusali sa loob ng Batasan Complex.

Isa kasi aniya sa napansin ng security ang paikut-ikot na motorsiklo sa bisinidad ng Kamara.

Mananatili aniya ang heightened security status hanggang sa magdesisyon ang House leadership na humupa na ang banta.

Maliban naman sa naturang banta ay mayroon din aniyang mga attempt sa cybersecurity ng Kamara.

Magugunita na noong Nobyembre 2017 ay niyanig ng malakas na pagsabog ang harapan ng south wing na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang umano’y target na si Basilan Rep. Wahab Akbar habang pito pa ang nasugatan kabilang ang 2 Kongresista.

THREAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with