Mga kalye sa Pasay, sarado ngayon sa prusisyon

A devotee arranges images on display at the Pasay City Astrodome on Friday.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Upang bigyang-daan ang prusisyon ng Grand Grand Sto. Niño, ilang kalsada sa Lungsod ng Pasay ang sarado para sa trapiko ngayong Linggo o Enero 28.

Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Pasay City government, simula alas-9:00 ng umaga ngayong Linggo ay isasara ang mga kalye mula Libertad sa Taft A­venue hanggang sa Roxas Boulevard; Harrison St. mula Buendia hanggang EDSA; Ro­xas Blvd. Service Road mula Buendia hanggang Libertad; Roxas Blvd. mula EDSA hanggang Buendia; at Jalandoni St., mula Buendia hanggang Bukaneg St.

Pinapayuhan ng Pasay LGU ang mga motorista na umiwas sa nasabing mga daan ng nabanggit na araw upang hindi maabala at maantala ang biyahe at paglalakbay.

Show comments