MSU bombing inako ng ISIS
MANILA, Philippines — Inako ng teroristang grupong ISIS ang pagpapasabog sa nagaganap na misa sa gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City nitong Linggo na kumitil sa buhay ng tatlong babae at isang lalaki at ikinasugat ng marami.
Sa isang communique, sinabi ng ISIS na miyembro nila ang nag-detonate ng bomba na unang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na “foreign elements” ang nasa likod ng pagpapasabog.
“Its fighters detonated an explosive device on a large gathering of Christian disbelievers in Marawi City,” ayon sa SITE Intelligence Group, isang counter terrorism threat intelligence organization na nagta-track ng online activity ng extremist groups.
Nauna nang kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring pambobomba.
Kinondena rin ang insidente ng Estados Unidos na tinawag nilang “horrific terrorist attack.”
Matatandaan na noong 2017 ay kinubkob ng ISIS-affiliated militants ang Marawi sa loob ng limang buwan
Kasalukuyang ginagamot sa Amai Pakpak Medical Center ang nasa 42 na sugatan at habang walo ang nasa Infirmary ng Mindanao State University.
- Latest