^

Police Metro

Maglive-in na kinidnap, natagpuang patay

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Maglive-in na kinidnap, natagpuang patay
Ang nakataling bangkay ng mag-live in partner na natagpuan sa gilid ng TR4 Road sa Alaminos, Laguna.
PNP

MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang matagpuan nitong Sabado sa isang construction site sa Brgy.San Miguel, Alaminos,Laguna ang isang magka-live in na dinukot sa Lucena City noong Biyernes.

Kinumpirma ng mga kaanak sa himpilan ng Lucena City Police batay sa mga tattoo at ibang palatandaan na ang dalawang bangkay na natagpuan ay ang nawawala nilang kaanak noon pang Biyernes ng umaga.

Sila ay kinilalang sina, Loloy Sagala, 50-anyos, naninirahan sa Barangay Marketview, at ang live in partner nitong si Annvel Alvelez, 40, anyos, tubong Bohol.

Sa salaysay sa himpilan ng pulisya ng mga kaanak ng biktima, ang mga ito ay sakay ng kulay blue na single motorcycle at binabagtas ang barangay road,alas 3:00 ng hapon.

Nang mapatapat sa Del Maro Resort sa Barangay Ibabang Iyam ,Lucena City ang mga biktima ay hinarang sila ng isang kulay puting van saka sapilitang isinakay.

Sa ulat ng Alaminos, Laguna PNP, natagpuan ang mga biktima sa TR4 Road na sakop ng Barangay San Miguel, alas 7:20 ng umaga noong araw ng Sabado na kapwa may tali ang mga kamay na nakalagay sa kanilang likuran at kapwa nakabalot ng packaging tape ang mga ulo nang matagpuan.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Alaminos PNP at ang Lucena PNP hinggil sa nasabing pangyayari. — Ed Amoroso

LUCENA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with