^

Police Metro

Nanay, 2 pang anak minasaker ng 20-anyos

John Unson - Pang-masa
Nanay, 2 pang anak minasaker ng 20-anyos
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Mylene Golloso Virgen, 40-anyos at mga anak niyang sina John David, 13-anyos, at Mary Elizabeth, 9-anyos; pawang residente sa Brgy Luna, Surigao City.
STAR / File

Tutol sa boypren ng anak

MANILA, Philippines — Tadtad ng taga sa katawan ang isang nanay at dalawang menor-de-edad niyang anak matapos silang katayin ng 20-anyos na nobyo ng isa pang anak na dalaga ng una sa loob ng kanilang tahanan sa Surigao City nitong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Mylene Golloso Virgen, 40-anyos at mga anak niyang sina John David, 13-anyos, at Mary Elizabeth, 9-anyos; pawang residente sa Brgy Luna, Surigao City.

Agad namang naaresto kahapon ng Surigao City Police ang suspek sa karumal-dumal na krimen na si Alejandro Ultado Cortes. Siya ay umamin na umano sa ginawang pagmasaker gamit ang isang itak sa mag-iinang Virgen at nakatakdang sampahan ng kasong multiple murder.

Mismong si Lt. Col. Diomedes Cuadra, Jr., hepe ng Surigao City Police, ang nagkumpirma kahapon na naaresto na ang suspect na si Cortes sa tulong ng mga saksi at mga kamag-anak ng kanyang napatay na mag-iinang Virgen.

Ayon sa mga kakilala ni Cortes, talagang kanyang pinagplanuhang patayin si Virgen dahil sa matinding pagtutol nito sa relasyon nila ng kanyang dalagang anak na hindi na pinangalanan ng pulisya.

Si Cortes ay natunton ng mga pulis at mga barangay tanod sa isang liblib na lugar sa Barangay Luna, Surigao City nitong umaga ng Sabado na kusa nang nagpaaresto at agad na umamin sa kanyang nagawang krimen.

vuukle comment

SURIGAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with