^

Police Metro

Pag-ambush sa Sulu election officer, posibleng election related - Comelec

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinukonsiderang isang election-related violence ang pananambang sa isang election officer sa Sulu kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia dahil mismong si Sulu Provincial Election Supervisor Julie Vidzfar ang nagsabi na ang pananambang sa kanya sa Zamboanga City noong Sabado, na ikinasawi ng kanyang kapatid, ay maaaring may kinalaman sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).

Kinumpirma rin ni Garcia na ito na ang ikatlong insidente ng karahasan laban sa isang field personnel ng Comelec matapos ang paghahain ng kandidatura noong Oktubre.

Matatandaang lulan ng kanyang behikulo si Vidzfar, kasama ang kanyang kapatid, nang tambangan at pagbabarilin ng mga di kilalang lalaki.

Hindi nasaktan si Vidzfar ngunit nasawi ang kanyang kapatid dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Nanawagan naman si Garcia sa mga otoridad na kaagad arestuhin ang mga taong nasa likod ng naturang krimen.

SULU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with