^

Police Metro

Bilang ng mga kabahayan na walang kuryente sa bansa, tumaas

Gemma Garcia - Pang-masa
Bilang ng mga kabahayan na walang kuryente sa bansa, tumaas
Sa pagdinig ng Senado sa 2024 budget ng Department of Energy (DOE), tinukoy ni Senator Sherwin Gatchalian na batay sa 2020 census, umakyat sa 1.8 million households ang hindi pa nabibigyan o nasusuplayan ng kuryente sa buong bansa.
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

Sa loob ng limang taon…

MANILA, Philippines — Sa loob ng limang taon ay tumaas pa ang bilang ng mga kabahayan na walang kuryente sa buong bansa.

Sa pagdinig ng Senado sa 2024 budget ng Department of Energy (DOE), tinukoy ni Senator Sherwin Gatchalian na batay sa 2020 census, umakyat sa 1.8 million households ang hindi pa nabibigyan o nasusuplayan ng kuryente sa buong bansa.

Higit sa doble ang itinaas sa bilang mula sa dating 800,000 unelectrified households na naitala noong 2015.

Paliwanag naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na batay sa 2015 census, ang status ng electrification program o mga households na nabigyan na ng kuryente sa buong bansa ay nasa 96.17%.

Mula sa porsyentong­ ito, 98.89% na mga house­holds sa Luzon ang na­bigyan na ng kuryente, 97.61% sa Visayas habang 88.12% sa Mindanao.

Babala naman ni Lotilla na hindi malabong madagdagan pa ang bilang ng mga kabahayan na walang kuryente lalo pa at nakaapekto rito ang pagdami ng households at paglaki ng populasyon.

Sinabi ni Lotilla na mahihirapan din silang matugunan ang pagbibigay ng kuryente sa maraming lugar sa bansa bunsod na rin ng limitadong budget na ibinigay sa kanila ng Department of Budget and Management para sa susunod na taon.

Ayon naman kay Na­tional Electrification Administration Administrator Antonio Mariano Almeda, dahil sa tinapyas ng DBM na mahigit P4 bilyon sa kanilang budget, bumaba sa 576 sitios ang dapat sana’y target na 2,000 sitios na ma­bigyan ng kur­yente para sa susunod na taon.

Ibig sabihin halos 1,500 na sitio ang hindi mabibigyan ng suplay ng kuryente sa 2024.

KURYENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with