Pagdeklara sa Pampanga bilang Christmas capital bill pasado sa ikalawang pagbasa
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na naglalayong ideklara ang lalawigan ng Pampanga bilang “Christmas Capital of the Philippines.”
Sa viva voce voting, nakalusot na kamakalawa sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6933 o ang “Christmas Capital of the Philippines” para kilalanin ang lalawigan ng Pampanga na sagisag ng Kapaskuhan sa Pilipinas.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., ang kanilang lalawigan ay kilala sa mga higanteng parol at Christmas tree kaya dapat lamang itong kilalaning “Christmas Capital of the Philippines” bilang simbolo ng Kapaskuhan sa buong bansa.
Gayundin ang mga dekorasyong Sta. Claus, Belen, Snowman, reindeer at iba pa habang ang mga ham at quezo de bola ay nagsisimula na ring maglitawan pagpasok ng Oktubre.
- Latest