MANILA, Philippines — Muling inabsuwelto ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) si Nobel Laureate Maria Ressa at Rappler Holdings Corporation (RHC) sa tax evasion case na inihain laban sa kanila bunsod ng umano’y pagkabigong magdeklara ng buwis noong 2015.
Ayon sa abogado ni Ressa na si Atty. Francis Lim, pinawalang-sala ni Pasig RTC Branch 157 Presiding Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz, si Ressa at RHC sa kasong paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code (Tax Code), sa promulgasyon na isinagawa kahapon.
Aniya, dahil sa panibagong acquittal, umaabot na sa limang tax evasion case ang nalusutan ni Ressa at ng RHC.
Laking pasalamat naman ni Ressa at ng RHC dahil sa pag-abswelto sa kanila ng hukuman sa kinakaharap na kaso.
Si Ressa, 59, ay kasalukuyang nakalalaya dahil sa piyansa, na-convict noong 2020 sa kasong cyber libel.