MANILA, Philippines — Sa pinakabagong independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay mataas pa rin ang approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, nakakuha si Pangulong Marcos ng 82% approval at 86% trust ratings habang si Vice President Duterte ay mayroong 86% approval at 90% trust ratings.
Si Senate President Migz Zubiri-69% approval at 71% trust; House Speaker Martin Romualdez-70% approval at 72% trust.
Sa cabinet officials, nanguna pa rin si DILG Sec. Benhur Abalos Jr. - 88% approval at 93% trust; DSWD Sec. Rex Gatchalian-76% approval at 85% trust; National Security Adviser Eduardo Año, - 75% approval at 87% trust; Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco-75% approval at 70% trust; DBM Sec. Amenah Pangandaman -73% approval at 75% trust; DTI Sec. Alfredo Pascual-71% approval at 65% trust; DICT Sec Ivan John Enrile-71% approval at 78% trust; DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla-69% approval at 66% trust; at DOF Sec. Benjamin Diokno-68% approval at 70% trust; at DMW Sec. Susan Ople-66% approval, 68% trust.
Top performing sa senado ay sina Raffy Tulfo (89.4%), Mark Villar (88.6%), Bong Revilla (88.5%); Francis Tolentino (86.1%), Imee Marcos (86.2%) at Grace Poe (85.8%) na statistically tied sa 2nd place. Nagtabla sina Bong Go (82.7%) at Robin Padilla (82.3%) sa ikatlo, habang 4th place naman sina Chiz Escudero (80.5%) at Loren Legarda (80.2%).
Sina Win Gatchalian (76.5%), Sonny Angara (75.7%) at Cynthia Villar (75.3%) ay nasa 5th place.
Iminumungkahi ng survey na nais ng mga Pilipino na unahin ng administrasyon ang ilang mahalagang alalahanin, 28% ng mga respondent na nagsasabing unahin ang ekonomiya, 22% ang pagpapagaan ng kahirapan, at 18% ang nagsabi ng kapakanang panlipunan, 17% para naman sa job creation at 15% na magtatag ng hakbang laban sa katiwalian.