^

Police Metro

Sekyu ng mall na naghagis ng tuta, sinibak na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ng pamunuan ng isang kilalang mall ang kanilang sekyu na nag-viral sa social media sa ginawa nitong paghagis sa isang tuta mula sa footbridge sa Quezon City na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa pahayag, sinabi ng pamunuan ng mall na nakikiramay sila sa grupo ng mga kabataan na nagmamay-ari ng tuta na inihagis mula sa Skywalk nitong Martes, Hulyo 11. Nakipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng mall sa security agency ng sekyu upang magkasa ng im­bestigasyon sa insidente.

Muli namang iginiit ng management ng mall na sila ay isang pet-friendly establishment at kinokondena ang anumang karahasan laban sa mga hayop.

Magugunita na pinoste sa Facebook ng testigong si Janine Santos, na bago ang insidente ay pinapaalis ng guwardiya ang mga batang may-ari ng aso at nang tumanggi ang mga bata ay kinuha nito ang aso at itinapon mula sa overpass sa labas ng mall.

SECURITY GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with