Pulis todas, 4 pa sugatan sa road crash

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang bagitong pulis habang nasugatan ang apat na iba pa nang sumalpok ang kanilang sinasak­yang kotse sa isang trak sa ka­habaan ng Sta. Rosa-Tagaytay Road, Sta. Rosa City, Laguna.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si Patrolman Rufino Libao, 23, nakadestino sa Philippine National Police Academy (PNPA) Silang, Cavite.

Habang ang mga nasugatan ay kasama nitong si Patrolman Camilo Fernandez, 28, nakadestino din sa PNPA headquarter; Aslany Aba, 24, truck driver; at dalawang helper na sina Joey Nuoveras, 35 at Montiadora Camacho, 43 na isinugod sa City Medic Hospital.

Sa ulat, alas-3:30 ng hapon ay sakay sina Libao at Fernandez ng kanilang kotseng Honda patungo sa Paseo de Sta. Rosa nang ito umano ay nag-overtake at nasakop ang kabilang kalsada sa kahabaan ng Rosa-Tagaytay Road, Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City at nasalpok ng paparating na trak na minamaneho ni Aba. Sa lakas nang pagkakasalpok ay agad nasawi si Libao.

Show comments