^

Police Metro

Batangas, Metro Manila, iba pang lugar sa Luzon niyanig ng magnitude 6.3 lindol

Angie dela Cruz - Pang-masa
Batangas, Metro Manila, iba pang lugar sa Luzon niyanig ng magnitude 6.3 lindol
Nagsilabasan sa kanilang mga silid ang mga mag-aaral ng Malanday Elementary­ School matapos lumindol kahapon na kung saan Intensity 3 ang lungsod sa naganap na magnitude 6.3 lindol sa Calatagan, Batangas.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Maraming lugar sa Luzon partikular sa lalawigan ng Batangas at mga lugar sa Metro Manila ang niyanig ng magnitude 6.3 lindol, kahapon ng alas-10:19 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng pagyanig ay nasa may 015 kilometro ng timog kanluran ng Cala­tagan, Batangas.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng mala­kas na lindol at nasa 119 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa Maynila, Mandaluyong, Quezon City, Valenzuela, City of Malolos, Bulacan, Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, Batangas; Dasmariñas City at Tagaytay City, Cavite at Tanay, Rizal.

Intensity 3 naman sa  Pateros, Las Piñas, Ma­kati City, Marikina City, Parañaque City, Pasig City, Obando, Bulacan; Laurel, Batangas, Bacoor City, at  Imus City, Cavite; San Pablo City at San Pedro City Laguna, at San Mateo, Rizal.

Intensity 2 - sa Caloocan City, San Juan City, Muntinlupa City, San Fernando City, La Union, Alaminos City at Bolinao, Pangasinan, Santa Maria, Bulacan at  Bamban, Tarlac.

Intensity I naman sa  San Jose Del Monte City, Bulacan. Asahan na ang aftershocks at mga danyos kaugnay ng lindol.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with