Tag-ulan pumasok na sa Pinas — PAGASA
MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pumasok na sa bansa ang panahon ng tag-ulan.
Ito ang inihayag ni Dr. Esperanza Cayanan, Officer-in Charge ng PAGASA kaugnay ng weather condition sa bansa.
Sinabi ni Cayanan na ang nararanasang kalat kalat na thunderstorms, ang pagpasok ng Super Typhoon “BETTY” at ang pag-iral ng southwest monsoon o Habagat sa nakalipas na araw ay nagdala ng pag-uulan sa western sections ng Luzon at Visayas ay hudyat nang pagpasok ng rainy season sa bansa.
Anya, maaari ring magkaroon ng monsoon breaks na pwedeng magtagal ng ilang araw.
Pinapayuhan din ni Dr. Cayanan ang publiko na mag-ingat sa kalusugan mula sa mga sakit na dumadapo sa panahon ng tag-ulan tulad ng sipon ubo at lagnat.
- Latest