Tambay patay sa pamamaril sa Quezon City

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng tanghali ay may dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang sumulpot sa lugar at nilapitan ang biktima.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 40-anyos na lalaki nang ito ay pagbabarilin habang nakatambay sa kahabaan ng Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, ka­hapon ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Roger Gereza, residente ng San Ignacio St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng tanghali ay may dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang sumulpot sa lugar at nilapitan ang biktima.

Bumunot ng baril ang nakaangkas at walang kaabug-abog na binaril ang biktima na namatay noon din. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.

Show comments