^

Police Metro

100 MMDA traffic enforcers kakabitan ng body cam

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maproteksyunan ang kanilang sarili at maging sa mga moto­rista na kanilang nahuli sa pag­labag sa batas trapiko ay inumpisahan na ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng body camera sa kanilang mga traffic enforcers.

Nasa 100 body-worn cameras ang ipapamahagi sa mga traffic enforcers ng MMDA na nakatalaga sa Katipunan Avenue, Sta. Mesa, Ortigas Ave­nue at sa Timog area sa Quezon City.

Ang mga recording mula sa mga body cameras ay naka-link sa bagong MMDA Command Center sa Pasig City na magagamit na ebidensiya kung sakaling magreklamo ang isang nahuling motorista.

Nagsagawa na rin ng orientation ang MMDA Traffic Discipline Office (TDO) sa ilan nilang enforcers ukol sa paggamit ng body cameras na tatagal hanggang 8 oras o isang shift ng isang personnel.

BODY CAM

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with