^

Police Metro

104 estudyante naospital sa fire drill

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 104 estudyante ang isinugod sa ospital makaraang himatayin habang nagsasagawa ng surprise fire drill sa isang paaralan sa Cabuyao City, Laguna, kamakalawa.

Nagsagawa ang Gulod National High School – Mamatid Extension ng fire drill, alinsunod sa Department of Education Order No. 53 s. 2022 o Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drills in Schools.

Ayon sa City Disaster­ Risk Reduction and Ma­nagement (CDRRMO) chief Sabi “Bobby” Abinal Jr., nahimatay ang mga estudyante dahil sa uhaw at gutom.

Halos 3,000 estudyante ang nagtipon, alas-12:30 ng tanghali sa fire drill na nag-umpisa bandang alas-2:00 ng hapon at inatasan ang iba na magtungo sa open evacuation area at ang iba ay sa ilang mga silid-aralan.

Dito ay halos 20 estudyante ang nawalan ng malay sa open evacuation area habang halos 80 ang nahimatay sa loob ng silid- aralan.

Ang heat index sa lungsod ay halos 39 hanggang 42 degree Celsius mula ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ayon pa kay Abinal, walang safety officers at me­dics sa fire drill at tanging­ estudyante lamang mula sa Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines ang nagsilbing marshals.

Sinuspinde na ni Cabu­yao, Laguna Mayor Dennis Hain ang lahat ng school fire drills.

FIRE DRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with