^

Police Metro

Libreng sakay ilalarga sa ikinasang 1-linggong tigil-pasada

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung sakaling matuloy ang banta ng ilang transport groups na magkakasa ng isang linggong tigil-pasada sa susunod na linggo ay tiniyak kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na handa ang pamahalaan na pagkalooban ng libreng sakay ang mga maaapektuhang commuters.

Magugunita na unang inanunsiyo ng grupong Manibela na maglulunsad sila ng transport strike mula Marso 6 hanggang 12, kasunod na rin ng Hunyo 30 deadline na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney, na alinsunod sa Public Uti­lity Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Abalos na handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan at maging mga local government units (LGUs) upang magkaloob ng libreng sakay sa mga commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.

vuukle comment

DILG

TIGIL PASADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with