^

Police Metro

6 pang biktima ng crypto trafficking, naharang sa paliparan

Danilo Garcia - Pang-masa
6 pang biktima ng crypto trafficking, naharang sa paliparan
This undated file photo shows women covering their faces with towels.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Anim pang biktima na nare-recruit ng sindikato ng crypto trafficking sa bansa ang nasabat sa magkahiwalay na insidente sa mga paliparan sa Pasay at Pampanga kamakailan.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit Chief Ann Camille Mina, na Enero 20 nang maharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang tatlo sa mga biktima makaraang magtangkang makalipad patungo sa Bangkok, Thailand.

Unang nagpanggap ang tatlo na mga turista at buhat sa isang kumpanya na nagpakita ng mga dokumento para patunayan.

Ngunit nang tanungin isa-isa, naging magkakaiba na ang kanilang mga pahayag kaya isinailalim sila sa ikalawang inspeksyon.

Dito umamin ang tatlo na ang destinasyon talaga nila ay ang Laos at inalok ng P40,000 para magtrabaho bilang ‘customer service representative, sales representative at cook’ sa isang investment company.

Na-recruit umano sila ng isang agent sa pamamagitan lang ng social media.

Kasunod nito noong Enero 31, nasabat ang tatlo pang lalaki na biktima sa Clark International Airport na patungo rin sana ng Thailand na pareho rin ang dahilan sa pagbiyahe nila ngunit kinalaunan ay umamin na magtatrabaho sila bilang encoders at e-games staff na may $1,000 sahod na inalok sa kanila ng isang agent sa social media.

Pinayuhan ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga biktima na agad na iulat sa Department of Migrant Workers (DMW) kapag mag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa dahil marami nang ulat na bumabagsak sa mga cryptocurrency scam companies ang mga nagre-recruit na Pilipino at biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

TRAFFICKING IN PERSONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with