Presyo ng mga bilog na prutas, tumaas na
MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang mga bilog na prutas partikular na sa Divisoria, Maynila.
Sa pinakahuling ulat nitong Lunes, ang presyo ng kiat-kiat ay naglalaro na sa P50 hanggang P60 kada kilo.
Ang presyo naman ng grapes ay kasalukuyang mabibili sa P200 kada kilo, orange sa P25 kada piraso at peras sa halagang P30 kada piraso.
Samantala, ang dalawa pang kilalang bilog na prutas katulad ng lemon ay tumaas din sa P20 kada piraso at ang ponkan sa P10 kada piraso.
Ayon sa mga nagtitinda, hindi na nila inaasahang tataas pa ng sobra ang presyo ng kanilang mga bilog na prutas na paninda.
Sa kasalukuyan ay matumal pa ang bentahan ng mga ito ngunit inaasahan na dadagsa ang mga tao sa last-minute shopping para sa Media Noche.
- Latest