MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng regalo sa mga bata sa harap ng Malacañang, kahapon.
Tinatayang 600 bata ang inimbitahan sa event na may temang “Balik Sigla, Bigay Saya: Nationwide Gift Giving,” na isinagawa sa Kalayaan Grounds ng Malacañang. Isinagawa rin ang kahintulad na event sa 40 pang lokasyon sa buong bansa.
“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” saad ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati.
Sinabi ng Pangulo na nagdesisyon siyang magdaos ng party sa mga bata upang maranasan naman nila ang kapaskuhan.
Bukod sa mga regalo, sumabak din sa iba’t ibang palaro ang mga bata.