^

Police Metro

Pekeng pera talamak sa Kapaskuhan - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Mag-ingat sa paglaganap ng mga pekeng pera lalo na ngayong papalapit na Kapaskuhan.”

Ito ang babala ni Phi­lippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa publiko dahil ang mga crimes against property tulad ng theft at robbery, gayundin ang fraud at panloloko ay kalimitang tumataas tuwing holiday season.

“Nagpapaalala ang PNP na mag-ingat po tayo sa ating mga transaksyon kapag tayo ay nami­mili sa mga palengke, sa mga malls, lalong-lalo na ganitong pagkakataon na marami tayong mga balikbayan na uuwi at may bitbit na mga remittance,” wika ni Fajardo sa isang panayam sa radyo kahapon.

“Ang paalala natin sa ating kababayan ay magpapalit sila ng pinaghirapan nilang mga pera sa mga authorized money changer,” dagdag ng opisyal.

Dati nang nagbigay ng tip ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa publiko na gamitin ang paraan na “Feel-Look-Tilt” sa pagsuri sa security features ng New Generation Currency (NGC) banknotes.

FAKE MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with