^

Police Metro

Heart disease, cancer nangungunang killer ng Pinoy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Autho­rity na ang mga sakit sa puso, cerebrovascular di­sease at cancer ang pa­ngunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa sa unang 7 buwan ngayong taon.

Mula Enero hanggang Hulyo 2022, nakapagtala ang bansa ng 311,921 na pagkamatay sa heart di­seases. Ito naman ay 31 porsiyentong mas mababa kaysa sa 452,228 na nasawi noong nakaraang taon.

Sa loob ng 7-buwang panahon, ang ischemic heart disease ang nangu­ngunang sanhi ng pagkamatay na may 57,899 na kaso. Ito ay kumakatawan sa 18.6 porsyento ng kabuuang pagkamatay sa bansa.

Ang mga cerebrovascular disease, na kinabibilangan ng stroke at aneurysms ay pumangalawa na may 32,354 na pagkamatay (10.4 porsyento).

Ang mga neoplasma, na karaniwang kilala bilang cancer ay umabot sa 31,487 na naitalang kaso (10.1 porsyento).

Ang mga pagkamatay dahil sa diabetes mellitus ay nagtala ng 20,107 kaso (6.4 porsiyento) na ginawa itong ikaapat na nangungunang sanhi ng kamatayan.

Ikalimang ranggo ang hypertensive disease na nakapagtala ng 17,999 kaso (5.8 porsyento).

CANCER

HEART DISEASES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with