Mall hours sa Metro Manila, babaguhin

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang pagdami lalo ng sasakyan sa mga kalsada habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan ay magsasagawa ngayon ng pagbabago sa oras ng mga shopping malls sa Metro Manila

“Mall hours in the National Capital Region will be adjusted to 11 a.m. to 11 p.m. during weekdays starting November 14, 2022 until January 6, 2023, “ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.

Sinabi ni MMDA spokesperson Mel Carunungan na inaasahan na lalo pang magsisikip ang trapiko ngayong “Ber Months” dahil sa inaasahan na aabot sa 50,000 ang sasakyan na bibiyahe sa mga kalsada.

Ito ay dahil sa pag-uumpisa nang mamili ng mga tao ng mga panregalo at dekorasyon para sa darating na Pasko bukod pa sa mas maaagang seleb­rasyon.

Inabisuhan din ang mga mall owners na magsagawa ng “discount sales” tuwing weekends para hindi sumabay sa pasok ng mga manggagawa.

Show comments