Marcos, tiniyak ang pagtatayo ng malalaking ospital sa labas ng Metro Manila
MANILA, Philippines — Magtayo ng mga health centers at malalaking “specialty hospitals” sa labas ng Metro Manila.
Ito ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inilahad sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na napakinabangan ng husto ang malalaking specialty hospitals sa panahon ng pandemya katulad ng Philippine Heart Center, Lung Center, Children’s Hospital at National Kidney and Transplant Institute.
Ang nasabing bahagi ng talumpati ni Marcos ay isa sa nakakuha ng malakas na palakpak at standing ovation sa mga dumalo sa SONA na plenaryo ng House of Representatives.
Sinabi rin ni Marcos na sa gitna ng pandemya ay nakita ang pangangailangan ng isang malakas na health care system na dapat ilapit sa mga mamamayan.
Sinabi rin ni Marcos na gagawin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng mga doktor, nurses at iba pang medical frontliners.
Dapat din aniyang magkaroon ng sapat na suplay ng gamot na para sa mga mamamayan. Ayon pa kay Marcos, sinimulan na niya ang pakikipag-usap sa mga kompanya ng gamot at pagbubukas ng merkado para mapababa ang presyo.
- Latest