^

Police Metro

Tulay sa Bohol gumuho, 4 dedo

Doris Franche - Pang-masa
Tulay sa Bohol gumuho, 4 dedo
Kinilala ni Loay Mayor Lahar Ayuban ang mga nasawi na sina Arniel Cilos, Emilia Gemina, Epifhany Onada, at isang Australian National na si Michael Ouschan.

MANILA, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong nasawi habang nasa 20 ang sugatan nang gumuho ang tulay sa bayan ng Loay, Bohol, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Loay Mayor Lahar Ayuban ang mga nasawi na sina Arniel Cilos, Emilia Gemina, Epifhany Onada, at isang Australian National na si Michael Ouschan.

Sinabi naman ni Police Lt. Thomas Zen Cheung, information officer ng Bohol Provincial Police Office, nasa 10 sasakyan, kabilang ang dalawang dump truck, ang nalubog sa Loboc River nang gumuho ang Old Clarin Bridge dakong alas-4:10 ng hapon nitong Miyerkules.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng pagguho  ng tulay.

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations na ginagawa ng mga otoridad.

BRIDGE COLLAPSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with