MANILA, Philippines — Magpapatuloy na magkakaloob ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga low-income communities sa bansa sa gitna nang nararanasang global health crisis at sa pagkakataong ito ay daan-daang indigent residents naman sa Quezon City ang natulungan.
Namahagi ang outreach team ng senador ng mga pagkain at face masks sa may 833 vulnerable residents na mula sa mga barangay ng North Fairview, West Fairview, Gulod, San Bartolome, Nova Proper, Greater Lagro at Sta. Lucia sa Teresa Heights Subdivision Covered Court.
Namahagi rin sila ng mga bagong pares ng sapatos at computer tablets, gayundin ng mga bisikleta sa mga piling residente upang makatulong sa mga ito sa kanilang pagko-commute ngayong patuloy na sumisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Sa isang video message, hinikayat ni Sen. Go ang lahat ng kuwalipikadong indibidwal na magpaturok na ng primary series at booster shots ng COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa virus at mapalakas pa ang economic recovery ng bansa.