PNP sinimulan na ang Oplan Baklas
MANILA, Philippines — Sinimulan na rin ng Philippine National Police ang Oplan Baklas sa mga malalaking campaign posters na labag na sa ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsisimula ng kampanya noong Martes.
Ayon kay PNP Spokesman PCol. Jean Fajardo, nagsimula nang mag-ikot ang mga pulis sa pakikipag-ugnayan sa local Comelec officers upang suyurin ang mga lugar na napaulat na may iligal na nakapaskil na campaign posters.
Apela ni Fajardo sa mga kandidato at kanilang mga supporter na sundin ang mga common poster areas upang mas maging maayos at malinis ang pangangampanya.
Nakakalungkot lamang na sa kabila ng regulasyon ng Comelec na sa common poster area lamang magkabit ng campaign materials, ay naglipana pa rin ang mga ito sa poste at kable ng kuryente, internet, cable, at telephone services.
Dapat na isipin ng mga kandidato at suporters ang integridad ng public utility infrastructures ay isyu ng “public interest” at “environmental at safety grounds” na hindi dapat binabalewala.
Anya, isang election offense ang pagpapaskil ng mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar lalo na sa mga kawad ng kuryente dahil sa posibleng pagmulan ng sunog.
- Latest