Walang toll hike ngayong may pandemya
MANILA, Philippines — “Walang toll fee increase na ipatutupad ngayong may pandemic pa ng COVID-19.”
Ito ang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga motorista at iba pang gumagamit ng expressways sa bansa na wala silang dapat na ipag-alala.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Tugade matapos na lagdaan ang Supplemental Toll Operations Agreement (STOA) para sa Pasig River Expressway (PAREX) sa pagitan ng DOTr at ng San Miguel Corporation.
Anya, bagama’t nauunawaan niya ang panawagan ng mga tollway operators para sa pagtataas ng toll rates upang malikom ang kinakailangang pondo para masustentuhan ang kanilang operasyon, dapat din naman aniyang protektahan ng DOTr, sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB), ang interes ng publiko, ngayong apektado pa ng pandemya ang ekonomiya.
Dagdag pa niya, maaari ring aprubahan ng DOTr ang toll rate hikes, ngunit matagal pa aniya bago ito maipatupad.
- Latest