MANILA, Philippines — Dahil mataas pa rin ang aktuwal na bilang ng may COVID-19 kung kaya hindi pa maaaring ilagay sa pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus.
“Sa tingin ko po, hindi pa pupuwedeng mag-MGCQ. Dahil bagama’t bumaba na po ang ating reproductive r ate, bumaba po ang ating healthcare utilization rate at hindi nga po siya even moderate risk ‘no, no risk at all. Ang problema po, mataas pa rin iyong actual numbers, hindi pa po tayo nakakabalik doon sa mga numero natin bago pumasok ang mga new variants,” ani presidential spokesperson Harry Roque.
Ipinaliwanag pa ni Roque na bago pumasok ang mga new variants ay nasa 1,000 kada araw lang ang napapadagdag na bilang ng may COVID-19 at hindi pa muling bumababa sa nasabing bilang ang mga nahahawa ng virus.
Naniniwala si Roque na puwedeng ilagay na lamang sa ordinaryong general community quarantine ang NCR Plus na nakatakdang pag-usapan ng Inter-Agency Task Force ang pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.