ACT-CIS nag-donate ng RT-PCR machine

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagdo-donate ng high flow oxygen sa Benguet General Hospital noong nakaraang linggo ay muling nagbigay si Benguet Congressman Eric Yap, na siya ring kinatawan ng ACT-CIS Party-list, ng isa pang RT-PCR machine upang matugunan ang agarang panganga­ilangan ng pagamutan at masolusyunan ang kanilang backlogs sa COVID-19 testing.

Nabatid na ito na ang ikatlong machine na ipinagkaloob ng mambabatas simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.

Una na siyang nagkaloob ng RT-PCR machine sa Baguio General Hospital dahil ang Molecular Laboratory sa Benguet ay isinasailalim pa sa konstruksiyon ng panahong iyon.

Ang ikalawang makina naman ay inilagay sa bagong tayong laboratoryo sa lalawigan, kasama ang isang Automated Extractor. Ayon kay Yap, nagpapatupad sila ngayon ng agresibong testing upang mapalakas pa ang effort ng lalawigan na masugpo ang COVID-19.

Show comments