^

Police Metro

DOT ibinaba sa 2 buwan ang suspensyon ng hotel sa Dacera case

Danilo Garcia - Pang-masa
DOT ibinaba sa 2 buwan ang suspensyon ng hotel sa Dacera case
Unang pinatawan ng P10,000 multa at anim na buwang suspensyon ang naturang hotel sa paglabag sa health protocols kung saan pinayagan nito ang mga bisita para sa leisure purposes.
Facebook/City Grand Hotel; Instagram/xtinedacera

MANILA, Philippines — Ibinaba ng Department­ of Tourism sa dalawang buwan ang suspensyon ng accreditation ng City Garden Grand Hotel kung saan namatay si Christine Dacera.

Unang pinatawan ng P10,000 multa at anim na buwang suspensyon ang naturang hotel sa paglabag sa health protocols kung saan pinayagan nito ang mga bisita para sa leisure purposes.

Ngunit dahil sa apela ng mga hotel at mga empleyado nito, pinagmulta ng P10,000 at ibinaba sa dalawang buwan ang suspensyon.

“The said penalties­ were imposed upon a fin­ding­ by DOT that CGGH had accommodated guests for leisure purposes des­pite being a quarantine facility,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Lahad ni Puyat na nagsumite ng apela ang pamunuan ng hotel nitong Enero 27.

“Nevertheless, the DOT gave CGGH a stern warning on record that any further violation of whatever nature of cur­rent­ rules shall be dealt with accordingly,” aniya.

CITY GARDEN GRAND HOTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with