MANILA, Philippines — Upang maibsan ang trapik ay pinabuksang muli kahapon ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga cash lane sa lahat ng expressway.
“Applicable po ‘yan sa lahat ng ating expressways,” ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz.
Aniya, may mga lugar na hindi kailangan ang cash lane dahil hindi masyadong nagagamit.
Ito ay matapos ang aberyang dulot ng mga pumapalyang RFID sticker na nagdulot ng matinding trapik sa mga toll gate.
Nitong nakaraang linggo, sinuspinde ng Valenzuela City government ang business permit ng NLEX Corp. dahil sa hindi agarang pagresolba sa aberya.