Public gathering sa Pasko, puwede basta limitado

Ayon kay DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba, kailangang maipairal ng mga LGUs na malimitahan ang bilang ng mga tao na dadalo sa mga public gatherings, fireworks displays at iba pang uri ng pagdiriwang sa Kapaskuhan upang ma­ingatan ang kalusugan sa banta ng Covid-19.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ang mamamayan ng fireworks display at iba pang uri ng selebrasyon sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, subalit dapat ay limitahan lamang ang mga taong dadalo dito.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba, kailangang maipairal ng mga LGUs na malimitahan ang bilang ng mga tao na dadalo sa mga public gatherings, fireworks displays at iba pang uri ng pagdiriwang sa Kapaskuhan upang ma­ingatan ang kalusugan sa banta ng Covid-19.

Anya, kung mapipi­gilan ang naturang mga events ay maaari naman ang bawat pamilya na magsagawa na lamang ng virtual gathering o maliitang pagtitipon para maka­iwas sa infection ng virus.

Show comments